Si Apolinario Mabini laban kay Hen. Antonio Luna / sinulat ni José P. Santos ; may paunang salita ni Gregoria de Jesus.

line; then Aguinaldo killed the discipline, destroying his own army. With Luna its firmest support, the revolution fell, and the ignominy of the fall, weighing entirely upon Aguimaldo, caused his moral death, a thousand times bitterer than the physical one; then Aguinaldo ruined himself, condemned by his own actions. That is the way Providence punishes the great crimes." Na, -ang salin sa tagalog ay ganito ang kahulugan: "Ang pagkamatay ni Andres Bonifacio ay nagpakilalang maliwanag na si Aguinaldo ay may isang walang habas na kasakiman sa kapangyarihan, at ang mRa sariling kaaway ni Hen. Luna, sa pamamagitan ng mga hibo ay nakapagsamantala sa kahinaan niya, upang si Luna ay maipapatay. Kung kinatigan ng buong kaya ni Aguinaldo si Luna, sa halip na patayin, sabihing nagtagumpay sana ang Panghihimagsik, ay isa marahil na napakalabis na pangarap; nguni't hindi ako nagaalinlangang ang mga Amerikano sana'y nagkaroon ng mataas na pahalaga sa tapang at kakayahan sa pagka-militar ng mga Pilipino. Kung buhay si Luna, ay tiyak na masasabi kong ang dagok na ibinigay ni Heneral Otis ay nasugpo o kung di ma'y nailagan sana, at di napagkilalang maliwanag ang kawalang kaya ni Aguinaldo sa pamamanihala ng hukbo. Tangi sa rito, upang maiyalis si Luna ay ginamit ni Aguinaldo ang mga kawal ding pinarusahan nito, dahilan sa paglabag sa disiplina; pinatay nga ni Aguinaldo ang disiplina, at siya na rin ang lumansag sa kanyang sariling hukbo. Sa pagkahulog ni Luna na siyang lalong matibay na suhay, ay bumagsak ang paghihimagsik, at ang kalait-lait na pagkabagsak na buung-buong napapataw kay Aguinaldo ay siya ring pumatay sa dangal nito na makalilibong mapait kay sa pagkamatay ng katawan; si Aguinaldo nga'y siya ring sumira sa kanyang sarili, siya'y pinarusahan ng kanyang mga sariling lkagagawan. Ganito kung magparusa si Bathala sa malalaking katampalasanan." Sa kuru-kurong iyan ni Mabini ay maliwanag na inanghihinayangan" niya ang pagkamatay ni Luna. Iyan sa isang akdang kaya sinulat ay sa hanfgad na mabasa ng rami, nguni't sa sarilinan, sa isang sulat na ipinadala kay 24

/ 52

Actions

file_download Download Options Download this page PDF - Page 24 Image - Page 24 Plain Text - Page 24

About this Item

Title
Si Apolinario Mabini laban kay Hen. Antonio Luna / sinulat ni José P. Santos ; may paunang salita ni Gregoria de Jesus.
Author
Santos, Jose P.
Publication
Maynila :: J. Fajardo,
1928.
Subject terms
Philippines -- History -- Revolution, 1896-1898
Mabini, Apolinario, -- 1864-1903
Luna, Antonio, -- 1866-1899

Technical Details

Link to this Item
https://name.umdl.umich.edu/asj5083.0001.001
Link to this scan
https://quod.lib.umich.edu/p/philamer/asj5083.0001.001/30

Rights and Permissions

The University of Michigan Library provides access to these materials for educational and research purposes. These materials may be under copyright. If you decide to use any of these materials, you are responsible for making your own legal assessment and securing any necessary permission.

Manifest
https://quod.lib.umich.edu/cgi/t/text/api/manifest/philamer:asj5083.0001.001

Cite this Item

Full citation
"Si Apolinario Mabini laban kay Hen. Antonio Luna / sinulat ni José P. Santos ; may paunang salita ni Gregoria de Jesus." In the digital collection The United States and its Territories, 1870 - 1925: The Age of Imperialism. https://name.umdl.umich.edu/asj5083.0001.001. University of Michigan Library Digital Collections. Accessed May 11, 2025.
Do you have questions about this content? Need to report a problem? Please contact us.