Si Apolinario Mabini laban kay Hen. Antonio Luna / sinulat ni José P. Santos ; may paunang salita ni Gregoria de Jesus.

11 SI MABINI LABAN KAY HEN. LUNA Na, si Mabini ay may lihim na pagka-suklam o natatagong poot kay heneral Antonio Luna, ay siyang pinatutunayan ng limang sulat na ipinadala niya kay Aguinaldo at iminumunlkahing ito'y palitan, kung maaari, pagka't umano'y "despota", hindi nakauunawa ng kanyang mga karapatan at tungkulin at alangang maging puno ng isang hukbo. Ang malaking paghahangad ni Mabini na mapalitan si heneral Luna ay labis na ipinakikilala ng pangyayaring iginawa pa niya ng "borrador" o "formulario" si Aguinaldo sa pagtanggap ng hinihinging pagbibitiw ng matapang na heneral. Kung sa mga liham na ipinadala ni Mabini kay Aguinaldo ay marami siyang nasabi laban kay heneral Luna, sa pag-uusap nila ng sarilinan ay hindi kataka-takang isipin natin na lalong marami ang kanyang naiparatang. Ngayon ay sisipiin ko ang limang sulat niya kay Aguinaldo na may apoy sa itaas at may apoy sa ibaba, kung baga sa inilulutong bibingka. Narito: Malolos, 28 de Febrero 1899. M. PRESIDENTE: Nabalitaan ko pong si Luna ay nagrerenuncia sa pagka Director at General en Jefe sa operaciones sa Maynila, dahil sa hindi binigyan ng ano mang parusa ang manga capitanes ng compaiiang hindi sumunod sa kaniyang utos sa huling ataque sa Maynila. Napagkikilala na po sa nangyayari na totoong masama ang efecto ng ano mang kalambutan: ang nangyayaring iyan ay totoong bunyag hindi lamrang sa hokbo kundi sa tawong bayan, at sapagkat di nila nariringig na pinarusahan ang may sala, ay masasabi ng 16

/ 52

Actions

file_download Download Options Download this page PDF - Page 16 Image - Page 16 Plain Text - Page 16

About this Item

Title
Si Apolinario Mabini laban kay Hen. Antonio Luna / sinulat ni José P. Santos ; may paunang salita ni Gregoria de Jesus.
Author
Santos, Jose P.
Publication
Maynila :: J. Fajardo,
1928.
Subject terms
Philippines -- History -- Revolution, 1896-1898
Mabini, Apolinario, -- 1864-1903
Luna, Antonio, -- 1866-1899

Technical Details

Link to this Item
https://name.umdl.umich.edu/asj5083.0001.001
Link to this scan
https://quod.lib.umich.edu/p/philamer/asj5083.0001.001/22

Rights and Permissions

The University of Michigan Library provides access to these materials for educational and research purposes. These materials may be under copyright. If you decide to use any of these materials, you are responsible for making your own legal assessment and securing any necessary permission.

Manifest
https://quod.lib.umich.edu/cgi/t/text/api/manifest/philamer:asj5083.0001.001

Cite this Item

Full citation
"Si Apolinario Mabini laban kay Hen. Antonio Luna / sinulat ni José P. Santos ; may paunang salita ni Gregoria de Jesus." In the digital collection The United States and its Territories, 1870 - 1925: The Age of Imperialism. https://name.umdl.umich.edu/asj5083.0001.001. University of Michigan Library Digital Collections. Accessed May 19, 2025.
Do you have questions about this content? Need to report a problem? Please contact us.