Himagsikan nang manga Pilipino laban sa Kastila / salaysay na sinulat ni Artemio Ricrate Vivora.

6 Himagslkan ng mga Pilipino laban sa Kastila. mga lalawigan at bayan-bayan, at sila'y inanyayahan sa isang pagpupulong, upang pagpasiyahan nang lubos kung ano ang dapat gawin ng Katipunan sa gayong katayuang napaka-mapanganib. Nagsidalong madalian ang marami sa gayong tawag, at bagaman may ilan ding kapulong na nagsipagpayo ng salungat, ay napagtibay rin sa kapulungan na:- lumaban sa lahat ng kcaparaanang magagawa sa anomang paglusob o pagsalakay na tangkain ng mga kawil ng Kastila. Idinadahilan ng maga kasalungat sa gayong pasya na hindi maaaring humarap sa isang kaaway na sagana sa sandata, maayos at nasasangkapan ng lahat ng kailangan sa digma; sapagka't ang Katipunan nga nama'y walang magamit na anomang sandata, ni salapi at ano pa mang kaayusang hukbo. Nang sandali ring yaon ay pinagkaisahan ang pagsalakay sa pulutong ng mga kawal na kastilang natatanod sa San Juan del Monte, lalawigan ng Maynila, pagsalakay na ginanap sa madaling-araw noong ika-29 ng Agosto ng 1896. Sa labanang ito ay maraming namatay na kabig ng Katipunan, gayon din sa mga payapang taong bayan; at matapos ang humigit-kumulang sa apat na oras na pagbabaka, ay nagsiurong ang mnga katipunan, at naiwan ang pook ng laban na nakakalatan ng mnga bangkay. Nakasamsam sila ng apat na baril at mnga punlo. 8. Paglaganap ng katipunan.- Ang pagkalat ng "Noli me Tangere" at ng "Filibusterismo" ni Dr. Rizal na nagkapasalin-salin sa kamay ng mnga Pilipinong mulat, at ng pahayagang "Kalayaan" sa kamay naman ng mnga kasamang mamamayan, ay siyang nagpasiklab sa damdamin ng lahat ng mnga Pilipino laban sa kapangyarihang kastila sa Kapuluan, at sa gayo'y mabilis na lumaganap ang Katipunan sa lahat ng sulok ng Pilipinas, lubha pa sa mga bayan at pook na kalapit ng Maynila. Sa bisa ng pahayagang "Kalayaan" na nililimbag sa tagalog, ang inga

/ 222
Pages

Actions

file_download Download Options Download this page PDF - Page 6 Image - Page 6 Plain Text - Page 6

About this Item

Title
Himagsikan nang manga Pilipino laban sa Kastila / salaysay na sinulat ni Artemio Ricrate Vivora.
Author
Ricarte, Artemio, 1866-1945.
Publication
Yokohama, Japan :: "Karihan Cafe,"
1927.
Subject terms
Philippines -- History -- 1898-1946
Philippines -- History -- Philippine American War, 1899-1902
Ricarte, Artemio, -- 1866-1945 -- Views on history

Technical Details

Link to this Item
https://name.umdl.umich.edu/acs6869.0001.001
Link to this scan
https://quod.lib.umich.edu/p/philamer/acs6869.0001.001/30

Rights and Permissions

The University of Michigan Library provides access to these materials for educational and research purposes. These materials may be under copyright. If you decide to use any of these materials, you are responsible for making your own legal assessment and securing any necessary permission.

Manifest
https://quod.lib.umich.edu/cgi/t/text/api/manifest/philamer:acs6869.0001.001

Cite this Item

Full citation
"Himagsikan nang manga Pilipino laban sa Kastila / salaysay na sinulat ni Artemio Ricrate Vivora." In the digital collection The United States and its Territories, 1870 - 1925: The Age of Imperialism. https://name.umdl.umich.edu/acs6869.0001.001. University of Michigan Library Digital Collections. Accessed May 16, 2025.
Do you have questions about this content? Need to report a problem? Please contact us.