Ang mga paring Pilipino sa kasaysayan ng Inang bayan / sinulat ni Martin F. Venago.

22 ANG MGA PARING FILIPINO SA eficazmente d la cultura integral de sus conciudadanos. Mangyayaring ang aklat kong ito "ANG MGA PARING PILIPINO SA KASAYSAYAN NG INANG BAYAN", ay isang kasaysayang hindi pa rin ganap; nguni't sa malaon o madali'y ang sino man ay makatataos sa akdang ito ng mga pangunang pagkakilala't pagkabatid sa mga Pari, kung sila ay sino at kung anu-ano ang nangagawa nila para sa kapakanan ng una'y relihyong kinakatawan, pangalawa ay sa bayan nilang pinagkakautangan at pangatlo'y sa lahi nilang kinabibilangan. Ang tunay na adhika, batay sa linalaman ng isang pangbansang kasaysayan ay walang iba kungdi ang magagap na buhayin sa alaala ng madla ang mga pangyayaring ibinadha at nasaksihan sa nakaraan. At ang kasiraang natuklasan sa mga araw na itong nagsiyaon ay siyang pinaguukulan ng pansin, bago lalapatan ng mabisang lunas, at ang lunas na iyan ang nagiging patnubay naman sa pagbabagong-kilos tungod sa hinihingi ng pagkakasulong at dinamang kabihasnan sa panahong linalakaran ng isang bayang nagising na't namulat. Anang kaibigan kong Reb. P. Alejandro Lindayag, ng Pandi, Bulakan, sa isang liham niyang ipinahatid sa akin: x x x ang katalinuhan at kabayanihang tinataglay ng ilan nating mga kalahing Pare, na kung kaya nakukubli sa kaalaman ng madla, ay dahil sa malungko.t at madilim na suot, na sa kanila ay nagtatabing. Samantalang ang isa ko pa ring kaibigang si Reb. P. Dr. Jose Mercado, sa kanyang kalatas na may lagda *b

/ 137
Pages

Actions

file_download Download Options Download this page PDF - Page 22 Image - Page 22 Plain Text - Page 22

About this Item

Title
Ang mga paring Pilipino sa kasaysayan ng Inang bayan / sinulat ni Martin F. Venago.
Author
Venago, Martin F.
Publication
Maynila :: [s. n.],
1929.
Subject terms
Church and state -- Philippines
Philippines -- History -- 1812-1898
Catholic Church -- Philippines -- Clergy Biography

Technical Details

Link to this Item
https://name.umdl.umich.edu/acb2778.0001.001
Link to this scan
https://quod.lib.umich.edu/p/philamer/acb2778.0001.001/27

Rights and Permissions

The University of Michigan Library provides access to these materials for educational and research purposes. These materials may be under copyright. If you decide to use any of these materials, you are responsible for making your own legal assessment and securing any necessary permission.

Manifest
https://quod.lib.umich.edu/cgi/t/text/api/manifest/philamer:acb2778.0001.001

Cite this Item

Full citation
"Ang mga paring Pilipino sa kasaysayan ng Inang bayan / sinulat ni Martin F. Venago." In the digital collection The United States and its Territories, 1870 - 1925: The Age of Imperialism. https://name.umdl.umich.edu/acb2778.0001.001. University of Michigan Library Digital Collections. Accessed May 16, 2025.
Do you have questions about this content? Need to report a problem? Please contact us.