The laws of the first Philippine Republic (the laws of Malolos) 1898-1899. / Compiled & edited by Sulpicio Guevara.

28 THE LAWS OF THE FIRST PHILIPPINE REPUBLIC 3. Decree of June 23, 1898, establishing the Revolutionary Government. (Tagalog) M. EMILIO AGUINALDO AT FAMY, Presidente nang Gobierno Revolucionario sa Pilipinas at Comandante General nang Kaniang Hokbo. Sa pag nanasa nitong Gobierno 6 Pamunoan na ipaquilala sa bayang Pilipinas na isa sa caniyang mga hinahangad ang pag lipul na hindi birobiro sa masasamang gauing pinagcaratihan ng Pamamahalang castila, upang mapalitan yaong magatod na pag gamit ng maraming tauo at mataas na pagpaparangalan na siyang pinangagalingan nang cauiluilan at cabagalan ng caniyang quilos at macapag tayo ng bagong pamamahalang may taglay ng caimisan, cahusayan at cadalian sa ano mang pag lilingcod sa bayan; caya co ipinaguutos itong manga susunod. UNANG CASAYSAYAN Tungcol sa Pamunoang Tagapagbangong puri (Gobierno Revolucionario). Pangcat 1. Ang Gobierno Dictatorial ay tatauaguin sa haharaping Gobierno Revolucionario o Pamunoang Tagapagbangong puri, na siyang cacabig ng catungculang ipaglaban ang casarinlan ng Pilipinas, habang di ito quiniquilala ng manga bayang timaua at ng cacastilaan, at maihanda ang bayan upang mapagtirican ng isang mainam na Repfiblica. Ang pamagat na Dictador ay mababago at maguiguing Presidente ng Gobierno Revolucionario 6 Pamunoang Tagapagbangon. Pangcat 2. Magtatayo ng apat na Secretaria 6 Gauaran ng Pamunoan: isa ang sa Paquiquipanig sa manga taga ibang lupa (Relaciones exteriores); sa Dagat (Marina) at Pagcacalacal (Comercio); isa ang sa Digma at Gauang bayan; isa ang sa Pangangalaga at pag aayos sa loob (Policia y Orden interior); Katuiran, Pagtuturo at Pangagamot; at isa ang sa Yaman, Gauang lupa at Gauang camay. Madadagdagan ng Pamunoan itong bilang ng Secretaria 6 Gauaran, cun mamalas na ang pagcacabucod na ito ay di macasapat sa di mabilang at suotsuot na pagcacailangan ng bayan. Pangcat 3. Baua't Gauaran ay tutulong sa Presidente sa pag lulutas ng mga usap at iba't ibang bagay na nasasaclao niya. Ang baua't isa'y pangangasiuaan ng isang Secretario o Kagawad sa Pamunoan, na hindi mananagot sa ano mang ipaguutos ng Presidente; nguni't capilma siya sa mga Utos nito upang maquilala na tunay ngang buhat sa nasabing Presidente. Nguni't cun ang Utos na ito'y ipinanaog sa cahingian ng Kagauad ay ito'y mananagot na casama ng Presidente.

/ 276
Pages

Actions

file_download Download Options Download this page PDF - Page 28 Image - Page 28 Plain Text - Page 28

About this Item

Title
The laws of the first Philippine Republic (the laws of Malolos) 1898-1899. / Compiled & edited by Sulpicio Guevara.
Author
Philippines. Gobierno Revolucionario, 1898.
Canvas
Page 28
Publication
Manila: National Historical Commission,
1972.
Subject terms
Law -- Philippines
Philippines -- Politics and government -- 1898-1935

Technical Details

Link to this Item
https://name.umdl.umich.edu/aab1246.0001.001
Link to this scan
https://quod.lib.umich.edu/p/philamer/aab1246.0001.001/46

Rights and Permissions

The University of Michigan Library provides access to these materials for educational and research purposes. These materials may be under copyright. If you decide to use any of these materials, you are responsible for making your own legal assessment and securing any necessary permission.

Manifest
https://quod.lib.umich.edu/cgi/t/text/api/manifest/philamer:aab1246.0001.001

Cite this Item

Full citation
"The laws of the first Philippine Republic (the laws of Malolos) 1898-1899. / Compiled & edited by Sulpicio Guevara." In the digital collection The United States and its Territories, 1870 - 1925: The Age of Imperialism. https://name.umdl.umich.edu/aab1246.0001.001. University of Michigan Library Digital Collections. Accessed May 13, 2025.
Do you have questions about this content? Need to report a problem? Please contact us.